kamalasan
Inis akong bumalik sa bahay. 30 minutos pa bago darating yung susunod na bus. At malamang male-late ako sa class kapag yung susunod pa ang kukunin ko. Buti hindi pa nakakaalis ng bahay ang nanay ko kaya nagpahatid na lang ako sa downtown Dayton.
Sa class: 7 lang kami sa klase: Leah, Lisa, Shawna, Nikki, Tanya, Rachel at ako. Katabi ko si Rachel. I learned na sa UD din pala sya nag-aaral majoring in Criminal Justice & Psychology. Kinukuha daw nya ang NAT dahil gusto nyang gawing ikatlong major ang Nursing at gusto daw nyang kunin ito sa Kettering College of Medical Arts (KCMA) since wala namang Nursing sa UD. I told her na mayroong accelerated program ang Wright State U (WSU) na kapag may bachelor's degree ka na (doesn't matter what it is), you can get into the BEACON program, a 15-month nursing program that will lead to BSN. I told her na okay tong program na ito kasi ang estimated cost ay 12 grand lang, which is much cheaper than the 26+ grand na annual fee sa UD (At malamang, ganito rin sa KCMA). At isa pa, yung mga requirements (maliban sa bachelor's degree) ay malamang nakuha na rin nya ang karamihan dito bilang part ng kanyang degree. Ang mga ito ay:
- English Composition
- Abnormal Psychology
- Introduction to Sociology
- Growth & Development
- Organic Chemistry
- Microbiology
- Nutrition
- Anatomy & Physiology
- Biology (if not taken in high school)
- Statistics
- STNA status
Ang isa pang maganda dito sa program na ito, wala nang waiting list, kumbaga, "in" or "out" lang ito. Kung pasok ka sa program, eh di pasok ka. Sa Sinclair kasi, umaabot ng 2 years ang waiting list ng Nursing, along with other allied health courses.
So bakit daw ako kumukuha ng Nursing? Tanong ng mga kakilala ko. Graduating [sa December na, hopefully!] pre-med stude ako, bakit daw ako magnunursing. Maraming dahilan... Una, wala akong pera. I can't afford to go to med school. Ayoko na ring umutang, marami na akong utang sa gobyerno. Gusto ko munang mag-ipon para mabayaran ko muna yung mga utang ko, tsaka ako kukuha ng panibagong loan. Pangalawa, feeling ko, I'm not well prepared yet to go to med school. Gusto ko munang ma-familiarize ang sarili ko sa hospital setting. Gusto ko munang magvolunteer sa iba't ibang hospitals dito sa amin at mag-shadow ng mga doctor sa iba't ibang espesyalisasyon. Siguro, in 2-3 years time, handa na akong pumasok sa med school.
Exhausted na ako pagsapit ng 430pm. Hinila ko na lang yung bag ko pababa sa hagdan, hindi ko pa kasi mahanap yung elevator. Mag-aantay pa ako sa bus for 15 minutes at 25 minutes pa papunta Sinclair where I'm taking my AbPsych class. 740pm pa ang uwian namin, parang hindi matapos-tapos. Maaga kaming na-dismiss, mga 725 ata. Takbo ako kaagad pababa ng building at papunta sa bus stop para hindi ko ulit ma-miss yung bus. Kamalasan: Nang andun na yung bus, at kukunin ko na yung bus pass ko, naknangputik wala pala sa wallet ko. Hinanap ko nang hinanap, baka ginawa ko na namang bookmark kako, pero wala pa rin. Hanggang sa umalis na yung bus. Ang masama kasi, wala na naman akong dalang pera. lol. Buti dala ko yung cell ng kapatid ko, at nagpasundo na lang ako.
Posted by Chucky at
11:35 PM
![]()
![]()