DISCLOSED.
ramblings of a quarternarian about relationships, academic struggles,
cooking, new found independence, and what have you

7.08.2005

rizza, erick & moi

Pag may nakakakita sa aming magkakapatid, parati na lang sinasabing ako daw ang bunso. Dahil ba sa maliit ako? (I'm 5'2", my younger sis is 5'5", my bro is 5'7") Dahil ba sa mukha akong bata? O baka naman dahil sa ako'y isip bata. haha ewan.

Kadalasan, ang sinasabi ng mga tao, si Rizza daw ang panganay. Lalo na noong mahaba pa ang buhok nya. Meron din yung time na sinasabi nilang kambal daw kami. Gaya noong umuwi kaming dalawa sa Pilipinas noong 2002. Anlalaki na namin. Siguro kung buhay pa ang dad namin, proud syang nakikita kaming ganto, magkasama, masaya, nagtutulungan.

Posted by Chucky at 4:03 AM