DISCLOSED.
ramblings of a quarternarian about relationships, academic struggles,
cooking, new found independence, and what have you

7.05.2005

we're back!

Yeah, we got home from the trip at past 12mn. The ride home was not that bad, it took us only 8 hours (kasi galing na kami sa Pennsylvania that time). Parang Ilocos to Manila lang. We left Pensylvania at 3pm ata. We were still on the road nang magsimula ang mga pyrotechnic displays. Hindi ako nakapag-blog when we were in Jersey, kasi naman, sa katangahan ko, nakalimutan ko ang adapter nitong laptop. Nakalagay kasi dun sa bag na gagamitin ko sana. Noong pinalitan ko yung bag, nakalimutan kong kunin dun sa maliit na compartment ung adapter. Nung una, ang akala ko pa talga, dala-dala ko ung saksakan kaya nagsa-sounds sounds pa kami nung mga batang kasama namin using the battery. Nang mag-5% na lang yung batt at kukunin ko na sana yung adapter, dun ko lang nalaman na nakalimutan ko pala!

Sa Jersey, nag-stay kami sa bahay ng tita at tito nina Kuya Filmmer, sina Tita Zen at Tito Boy. Una (Sabado) kaming namasyal sa Liberty State Park. Sasakay sana kami ng ferry para makita ng malapitan si Lady Liberty pero hindi namin naabutan yung last trip :-(. Pagkatapos naming madismaya, pumunta na lang kame doon sa south end ng park. Andaming pinoy... mayroon pang nagpapatugtog ng OPM. Pagkalakas-lakas ng kanilang boombox. Siyempre, yung mga oldies naman naming kasama, naglaro ulit ng tong-its nang makahanap ng table.

Sa Sunday, shempre nagsimba kami. 9am yung misa pero 930 na kame nakarating sa simbahan. Communion na yung naabutan namin. Panong hindi kami male-late eh andami-dami namin. Wala namang may gustong lumabas ng bahay ng hindi naliligo. Twenty-two kami, tatlo ang bathroom, you do the math. Nakakatawa pa si Juspy, yung batang kasama namin, pagpasok pa lang kasi nya ng bathroom, hina-hurry na sya ni Marjorie (isa pang bata) na kesyo antagal na nya sa loob. Biro nyo, 4 minutes lang ata yung ligo nya. lol. After the mass, mayroong ipinakilalang bagong pari, and he's a Filipino. Biglang naalala ko tuloy si Carlo, kumusta na kaya yun, tuluyan na nga kaya ang pag-papari nya?

Pagkatapos ng mass, bumalik pa kami sa bahay nina tita Zen para magpalit at mag-ayos ayos. From there we went to Manhattan. Pasyal-pasyal, picture-picture. Pagbalik namin sa pinagpark-an (sa likod ng Saks & Company) ng van, sinabi ng mga nauna na naming kasama na mayroon daw parking violation si kuya Fila at $115 daw ang fine nya. Ang nangyari pala, baliktad ang pagkakalagay nya ng parking ticket...yung blank side ang pinaharap nya. Kaya ayun.

Then we went to visit tita ______. And we went to Jones Beach (Long Island) with her family. We didn't swim though. Nagpahangin lang.

Monday morning, nagmalling ulit kami sa Pennsylvania. At 3pm bumalik na sa Jersey sina tita Zen and tito Boy, at umuwi na rin kami.

Posted by Chucky at 9:46 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home