Ay ewan
Kahapon dumalo ako sa pagpupulong ng mga kasapi sa International Club. Sabit lang ako para may mailagay sa resume. Ansama. Ang una, at kaisa-isang laman ng kanilang talan-ng-pag-u-usapan ay ang patungkol sa fieldtrip ng grupo sa Chicago. Pupunta kaya ako? Tinanong ko ang nanay ko kung ano sa tingin nya. At sa gulat ko, sinabi nyang bibigyan nya daw ako ng perang pang-fieldtrip. Hay... Pero nasasayangan ako... ipunin ko na lang yung pera para may pang-uwi ako sa Pilipinas... at kung gusto ko mang pumunta sa Chicago, sasama na lang ako sa kapatid ko kapag pupunta sila ng mga kaibigan nya.
Malapit na naman ang midterms, parang kailan lang nagsimula ang klase. Ang bilis talagang tumakbo ang oras. Tapos na nga ang first exam namin sa micro lab. At tapos na rin ang interviewing class ko. Ipapasa ko na lang ang project ko sa Martes. Simula sa darating na Martes, bakante ko na pala ang 3-5:50pm. Sana may opening pa sila sa Bombeck Center para makakuha ako ng part-time job kahit 5 hours/week lang. Kailangan ko na talaga ng pera. Pinapauwi na ako ni fafa Mike. Gusto kong umuwi sa Disyembre. Iyon din ang gusto nya. Tsaka, gusto ko talagang mag-Christmas sa Pinas... para mas masaya. Masyadong boring dito sa Dayton. Hindi ko maramdaman ang pasko dito sa Dayton kahit maraming mga dekorasyon o mga regalo. Mas masaya pa rin yung kasama mo ang lahat ng iyong mga kamag-anak na kahit kakarampot lang ang pinapagsaluhan, masaya ang bawat isa. Well, masaya rin naman dito kahit paano... ngunit kakaunti lang kaming nagsasalo. Hindi lamang ang kalidad ng kasayahan ang importante, kung minsan, importante rin ang kantidad.

Posted by Chucky at
12:52 PM
![]()
![]()